BBa guer·ril·la or gue·ril·la (g-r¹l“…) n. 1. A member of an irregular, usually indigenous military or paramilitary unit operating in small bands in occupied territory to harass and undermine the enemy, as by surprise raids. --attributive. Often used to modify another noun: guerrilla warfare; guerrilla tactics. [Spanish, raiding party, guerrilla force, diminutive of guerra, war, of Germanic origin. See wers- below.]

————————————————————

 wers-. Important derivatives are: war, guerrilla, worse, worst, liverwurst.

 

 

Ang tunay kong pangalan ay Escolastico M Valerio, ngunit ang palayaw ay Restie. Ipinanganak ako noon a 10 ng Febrero 1925.  Nasapi ako sa tinatawag na USAFPI (United States Armed Forces Philippines. Girilla noon September 16, 1942 sa idad kong mahigit na labing pitong taong sa Rebublic Regiment, nakadestino kami noon sa Nayong ng Alag, Malolos, Bulacan ng isang tanghali ay bigla nalamang nagputukan ng katakot sa may gawing kabayanan ng Malolos; kayat bigla kaming nagsipaghanda; ngunit mkaraan ng kulang na isang oras, ay dumating ang isang runner, at sinabing dumating na ang mga Americano, na sinalubong agad naming  hanggan doon sa ilog ng Bagbag, Malolos., kinabukasan ay inatasan na kami ng aming Capitan na si Tomas Arellano na kami ay magsiuwi na sa amin-amin at tapos na ang giyera. At ganoon nga ang nangyari;

 

Makaraan ang ilang araw ay tinawagan kami na maghanda at kami ay pupunta sa bayan ng San Rafael, Bulacan at kami ay magtratraining doon at nagtraining kami, nguni’t may tatlong lingo lamang, at walang ano-ano ay dumating ang sampong six by six.. Mag-ala-una noon ng hapon. Yaon pala’y dadalhin na kamis sa giera. Ngunit bago kami dinala sa labanan ay doon kamin dinala sa Bachelor, Natividad, Nueva Ecija, at kami ay  nag-training na muli doon pagkat’ obsolete na raw ang aming napag-aralan doon sa San Rafael, Bulacan, nang kami ay nakapag-training na muli ay hindi an raw kami Republic Regiment kundi e Buena Vista Regiment na, at E. Company, 2nd Bn an ang pinuno ay si Over-all Commander din na si General Alejo Santos ng Butos, Bulacan, Philippines. Nag kami ay mag-practice sa pagtarget ay si Lpe Cristobal ay naka-pipitong Bulls eyes sa bawat sampong putok na patayo, paupo at padapa, ako naman ay naka-anim na na bulls-eys sa bawat’s sampo ding putok. Kayat si Lope Cristobal ang number one at ako naman ang lumabas na second.

 

Samantala: ang aming mga Oficiales naman ay sina:

 

Over-all Commander ng Bulacan:

Alejo Santos         --------------------------------Gneral, Bustos Bulacan, Phil

 

Pedro Viadez--------------------------------------Colonel, San Yldefonso, Bulacan

Enrique Viadez------------------------------------Colonel, San Yldefonso, Bulacan

Castillo             ------------------------------------Colonel, West Point, USA

Lopes                -----------------------------------Colonel, West Point, USA

 

Napaleon Maclang--------------------------------Major, Sumapa, Malolos, Bulacan

Benvinido Santiago -------------------------------Mayor, Atlag, Malolos, Bulacan

Arrania -------------------------------------------??

Cuntapay  -----------------------------------------Major. Ilocos,

 

Felepe Santiago -----------------------------------Captain, Malolos, Bulacan

Buenvinido Fajardo  -------------------------------First Leutenant, Atlog, Malolos, Bulacan

Victorino Silvestre ---------------------------------2nd Lt, Cavite Phil. X Bataan

Atelino Villaflor ------------------------------------2nd Lt, Visaya, X Bataan

Juan Del Rosario ----------------------------------2nd Lt.

Francisco Burgos ----------------------------------2nd Lt, San Juan, Malolos, Bulacan

Ang aking Squad Leader

Serafin E Maclang-------------------------Sgt, Santisima Trinidad, Malolos, Bulacan

 

Nag kami ay nakapagtraining nang muli sy dinala na kami sa Vall Verde, subalit nang lahat ay nakababa sa aming mga sinasakyang six by six at nanga kahilera na nag roll call off na ay cineling na kami ng Hapon, natamaan agad sa paa ang isa naming  2nd Lt na si Juan Del Rosario na naging Colonel sa giyera sa Korea at nagtuloy kami sa Imugan na. halos walang tigil na putukan at labanan.  Samantala, mula doon sa kabundukan ng Imugan ay natatanaw naming ang maalikabok na Balete Pass at Santa Fe Trail na tinatawag noon at nabalitaan na lamang naming doon na napatay ng sniper si General Dalton doon sa kanta ng talampas ng Balite Pass (May 15, 1945).

 

Nang matapos ang labanan sa Imugan ay pinapaghinga kami ng isang lingo doon sa Bachelor, Nativida, Nueva Ecija. Pagkatapos ng pamamahinga ay dinala kami sa dulo ng San Jose at naglakad kami patungo sa Balite Pass at Santa Fe ngunit hindi kami napalaban na sa Hapon. Subalit nang malayo na kami sa Santa Fe doon sa matatas na bundok na ang layo siguro ay may 500 metro doon sa karsadang aming nilalakaran ay nakita naming ang napakaraming mga Hapon ns sunod-sunod na nagsisilakad na patungong Imugan marahil.  Minomortal naming at mina machine gun ay hindi madali, nagsisidapa lamang at tuloy ding ang kanilang paglalakad. Ang sabi ng aming mga official ay iwanan na naming iyon at hindi yong ang aming mission kundi ay pumunta sa Bune.  Nang dumating kami sa Bune hindi naming akalain na iyong palang mga bundok sa gawing kaliwa ay marami pang Hapon at nanga paksol (fox-hole) ika nga at sa gawing kanam naming ay silangan ay malago ang talahib at may ilog na tagpos sa San Jose, N.E. at dito ay napalaban kamin ng my kalahating oras na walang nasugatan sa amin at tumakas na ang  mga Hapon na may napatay na ilan. Nang dumating ang alas dos ng hapon ay pinapaglakad na naman kami, subalit kami daw ang  magpunta sa Dupax at maraming mga Hapon doon, ngunit wala kaming masasakyang bangca upon kami ay makatawid sa matuling agos ng ilog. Mga may dalawang oras na kami sa pangpang ng ilog ay nagdating sa kabilang pangpang ang maraming sibilian, matatandang babae, matatandang lalaki at mga bata at ang maraming mga lalaki ay nagdatingan na may mga pasan na buong kawayan at mabilis nilang pinagkabit-kabit sa pangpang sa kabila at hinila ng dalwang kalabaw na lumalangos at tinulungan ng mga lalaking na itulak ang balsang kawayan at doon kami unit-unting nagsisakay sa pagtawid. Nang dumating kami sa tinatawag na Dupax ay agad kaming pinag-patay ng isang kalabaw sa tuwa ng mga tao doon,. Ilang araw lang kami doon at naatasan na naman kaming maglakad na papuntang Bayombong.  Mula sa pagalis naming sa Buni ay umulang na ng umuland habang kami ay nagsisilakad hindi naming kami nababasa dahil sa aming mga kagamitan sa giyera. Nang dumating kami sa Bayombong ay wala isa man tao kaming nakita, nagtuloy kami sa Bayan ng Solano, wala rin tao kaming nakita at nasa taguan sa pa rin bundok, at muli, naglakad na naman kaming papunta sa Bagabag daw. Hindi kami napapalaban pagkat wala ring mga Hapon at wala rin tao ang lahat ng mga bahay.

 

Subalit nang dumating kami sa maydulo ng Bagabag ay nakita sa kaliwa ng gilid ng karsada na patungong kanluran, ay ang lahat halos ng bahay na tabitabi ay alis ang mga dingding sa harap at parang sarsuela ang ginawa ng mga Hapon. May hubad na nakabitin na ang tali ay sa leeg, may nakabitin na ang tali ay sa paa at ulo ang nasa ibaba, may nakadapa at may nakatihaya na pawing tadtad ng saksak ng bayoneta lamang an pinatay. Kung kayo ang nakakita ng ganito:matatakot ba kayo? Hindi!…lalo na kaming tumapang sa galit at awa sa kapwa naming Pilipinong Ilokano.

 

       Samantalang kaming Compny Buena Vista Regimen ay naririto ay hindi kami maka abante. Hindi rin kami makaurong sapagkat hindi kami nilalabanan ng mga Hapon, kami pala ay nakulong na. At ang istrok pala ng Hapon ay sa gabi kami bibirahin upang walang eroplano na bumomba sa kanila, subali’t  tatlong araw na kami rito ay hindi kami sinasalakay ng Hapon hanggang kaming lahat ay nagkagutuman  na dahil ang mga Igorot at Igorota na nagsusuply sa amin ng bala, inumin at pagkain ay nangapapatay na ng mga Hapon at kinukuha ang lahat ng susupply sa amin kaya pala kami ay hindi nilulusob ng mga Hapon. Ikaapat na araw ay dumating ang mga Amerikano. At kinabukasang dumating amg mga Amerikano ay pina-advance na kami na papunta raw sa may gawing Salinas  Salt Spring o mina ng asin sa itaas ng bundok. Nalakad kaming hindi na papalaban. Nang dumating kami sa dulo daw ng Bagabag ang karsada pala ay biglang paibaba ngunit hanggang maghinto na kami ay hindi kami napapalaban. Ito palang dulo ng  Bagabag ay pawing matataas na bundok na kaliwa’t kanan, at lalo sa iba ng maliit na Valley sa iba na may tabi-tabi at hilehilerang mga kubo na ang dingding at atip ay kugon sa mataas na gulod sa aming likuran na aming kinauupan  sa gawing kanan  ng karasada noon maha alas dies na ng tanghali ay naplingon kami sa isang mahabang gulod sa aming likuran at may mga Amerikano na nagsidating na pala at nalimutan ko pala na kaya kami napunta dito ay sasakoro kami sa isang Divisiong Amerikano na hindi ko na sasabihin kung anong Division itong rumitrit na ito, sa pagkat pangit sa Amerikano. Ang mga Amerikano palang nasa aming likuran sa sasakaro din doon rumitrit ay 31st Cavalry Division. Nang may dalawang oras na kaming pawing nakatanaw doon sa maliit na kapatagan ay bigla na lamang nagputukan sa gawing kaliwa naming at ng mga Amerikano at ng lumingon kami sa ibaba ng karsada na paibaba doon sa Valley ay mga Amerikano rin pala ang lumusob doon.

 

        Doon sa Valley, katakot-takot na putukan iyon, ang lupa at iyong kubong marami ay kitang-kita naming ang tama ng mga masinggan ng mga Amerikano, at kitang-kita naming ang mga Hapon na nagtatakbuhan sa pagtatago sa gilid ng malagong kahuyan at malagong kugunan at talahib.Samantalang lahat kaming lahat na mga Pilipino at mga Amerikano ay tahimik na tahimik na nanga-kaupong lahat at pinanunuod naming lahat ang labanan. Saksi ko ang Diyos sa pangyayaring iyon na kami’y nanunood lamang na parang sine. At sa labanang ito na may isang oras marahil ay may 27 ang patakbong hinahakot pataas ng karsada ang patay marahil o sugatang mga Amerikano at ang mga patay naming mga Hapon ay nakikita din naming ngunit hindi naming alam kung ilan. Pagkatapos noon ay nag-alisan ng lahat ang mga Amerikano , natira kaming lahat na E Co. Nang dumating ang hapon, pingawa na kami ng ika nga ay paksol(fox hole) linya ng gulod na aming kinalalagyan ay doon kami kami pinapuesto sa gawing iba ba na malapit sa karsada at doon sa pinakamataas na gulod  ang pangkat ng official naming, at ang pangkat at doon naman sa dulo ng gulod na paibaba din. Kaming magkakasama ay nag-usap usap na huwag kaming matutulog at baka sa aming ibaba magdaan ang mga Hapon sa pagtakas ay baka sa aming gawi magdaan. Kaming apat na magkakasama sa Paksol ay nakatulog marahil sa pagod ng paglalakad ay nakatulog at nahimbing at alas-otso na ng umaga kami nagising.  Iyon pala ng gabing iyon ay nilusob kami ng Fuerza ng Hapon na patakas at sa gilid na ibaba ng gulod na kinalalagyan naming second platoon nagsimulang lumusob at napalabang lahat ang aming mga kasamahan at lalu nang napalaban ang nasa itaas na kinalalagyan ng aming mga official at iyong nasa dulo naming. Kami na lamang apat ang nangakaupo at naghuhunta king bakit wala nang lahat aming kasamahan at nasa ibaba na ng bundok, at nasa tabi ng mga bahay na walang tao sa karasada. Maya-maya , sa aming ayos na namamangha ay lalu kaming namangha nang mula doon sa itaas na kinalalagyan ng aming mga officials ay 23 pala na ang may tama na wala naming namatay.  Nagkalabanan palang katakut-takot ay hindi naming nalaman pagka’t kami pala ay nakatulog sa hirap at nang magising kami’y umaga na.

 

 Nang kinabukasan ay pumatrol ang 2nd Plattoon doon sa pinaglabanan. Ngunit palibhasa’y kahit isa ako sa pinakabata noon ay kakilala ako at ginagalang ako halos ng lahat ng mga official na nakakakilala sa aming angkan, sapagkat ang aking lolo ay Don at ang aking Ama naman ay Cabesa de Barangay. Kaya sa lahat ng mga sundalo ay ako ang hindi inuutusan. Kaya dalawa kaming ipinaiiwan doon sa aming paksol at kami daw ang magbantay na lang sa mg kagamitan ng aming mga kasama.at sa pagpatrol ng aming mga kasama na pababa doon sa pinglabanang maliit na Valley ay may madadaanang isang kahoy na maliit, yaon pala’y may apat na Hapon na pinaka-guardya at iyong isa sa apat na daan duon pala ay namasinggan sa isang putok at natamaan sa ibaba ng kanang suso subalit nakuha pa nitong agawin ang 50 kaliber na masingan na umistopped pala kaya naka-isang putok lang. Samantala iyong isang sumusunod na kasam ng  Sergent.ay nabaril naman sa ulo iyong isang Hapon at ang sombrer at ang sombrero  noon ay tumilansik na may kalahating metro ang taas at iyon pala doon sa gawing likuran naman ay may natira pang mga Amerikano at nanunuod sa pagpatrol ng mga Pilipino, kaya’t  sa kanilang nakitang paglipad noong helmet ng Hapon ay biglang nagpalakpakan iyong mga Amerikano.

         Noong ikalimang araw, ay pinapatrol na kami doon sa pinaglabanan at naku!…kahit pala bombahin nang bombahin ang kinalalgyan ng mg Hapon ay hindi mapapatay dahil iyon palang ilalim ng mga bundok ay kasinglaki ng simbahan ang mga tunnel na sanga-sanga pa ang loob. At sa isang tunnel na papasukin ko ay hinagisan ko muna ng dalawang sunod na granada bago ko pinasok.subalit nang ako ay nasa loob na may sumusunod pala na isang kasama ko na ang hanap ay ginto o pera. Nakita ko doon sa isang parang silid sa kaliwa ko at doon sa dulo ng tunnel ay parang may naka-upo. Iyon pala ay hapon nga na napatay noong dalawang granadang inihagis. At kaya pala nabaril noon pumasok ako ay parehong stopped ang baril. At dalawang kumot na blanket Hapon ang kinuha kong souvenir. At kami’y muling nagbalik dati naming puesto sa itaas ng bundok. Kinabukasan, dumating sa amin ang dalawang Platoon ng mga taga-Hagonoy,Bulacan na kasama rin naming na nagging Buenavista Regiment. Hiniram ang aming 50 caliber na masinggan at sila namn ang pumuesto sa aming inalisan dahil kami’y bumaba na sa karsada na may malalaki at mahahabang bahay at duoon sa harapan ng isang malaki at mahabang bahay ya gumawa kami ng paksol at  bawat paksol ay apat ang lulan. Ngunit ng mag-aalas-otso ng gabi ay umulan ng pagkalakas-lakas at nalubog sa tubig ang aming paksol, kaya doon na lang kami sa silong ng malaking bahay lumagay. Maya-maya, nang huminto na ang ulan, ano ba’t daming Hapon palang nag-mamarcha pa rin sa paglakad at nag-uusapan. Sabi ko sa aking mga kasama na huwag magpaputok .  Kami naman ay hindi nakikita noong Hapon dahil iyong harap ng bahay ay malago ang gumamela na siyang pinakabakod. Ano pa man at noong makaraan sa amin iyong mga Hapon ay biglang nawala ang dilim ng langit at ang buwan pala ay kung sa raw ay alas-onse na. At pala naming mga Hapon nang malayo sa amin ng may mg 200 metro ay may isang pinutok sa tabi ng karasada na naliligid ng malagong kahuyan. At iyon palang taga-Hagonoy na humiram ng aming  masinggan ay doon pumesto ang marami. Ang mga Hapon daw na hindi mga basa ay nagsipaglatag ng kanikanilang mga kapote na siyang hihigan. Iyon pala, ay nakakikita ito noong mg H-Company ng Hagonoy, Bulacan. At noong inaakalang tulog na ang mga Hapon ay saka binira ng masinggan at  ng kanilang armas at Granada hanggan ng tigilan ng putok ay ng inaakalang patay ng lahat at nang kami ay makaalmusal ay tinungo naming iyung pinangyarihan. 23 Hapon ang napatay.

 

Subalit ito ang sama naman sa aming, ang 50 caliber na machine gun na hiniram sa aming ng Companyang ito ay iniwan pala doon sa aming paksol sa itaas ng gulod, ataang mga nanghiram na tio ay nagsialis na nang malaman ng aming official na si Mayor Arrania ay magaalas quarto ng hapon, kayt inutos sa amin kunin ito, ngunit ang paksol naming ng may tolda na at iyong machine gun ay nakattok na paharap sa ibaba na aming kinalalaagyan at dadaanan na papunta sa itaas n anglayoo sa karsadan aming kinalalagyan ay humigit kumulang limang daang metro. Kaya kami, ano ang gagawin ninyo sa tiyak ninyong kamatayaan? Mabuti na lang umalis si Major Arrania at naaanghirma sa Americano ng Mortal ang nagamit ditto bago na sentrahan ang pakso, at maniniwala ba kayo, na iyong Hapon ay  umilandang  ng pataas na may isang metro ang taas at iyong isa naman ay may kalahating metro ang taas din. At iyong dalawa ay halos durog ang mga katawan and hindi nakakikita ng Geyera ay sasabihing ito ay kayabangan at pagkatapos nito ay inatasan kaming tunguhin iyong malapit sa Salinas Salt Spring o bundok na mina ng asin, wlang labanan at ankita namin ang malipetan itong minanganng ito, may 20 metro ang lapad nito sa nilalabasan ng asin mula sa ituktok na undok, putting-puti ang asin sa itaas buablit sa ibaba ay kulay dilaw naman hangang sa kapatagan. At kming’y pinabalik na patungo sa sinasabing Kiangan. Sa lahat nang daanan namin ay walang labanan subalit nang naroon na kami sa tinatawag na Kiyang-kiyang naplaban kami doon ng wala pang kalahating oras at ang mga Haon ay nawala na sa kabundukan.

 

Nang dumating kami sa sakop na raw ng Kiangan ay hindi kami pagkat mga aeroplano na ang tumatadtad ng Bomba at mga kanyon at maniniwala ba kayo na wala nang lahat ang kayoy at ang alikabok ng bundok dahil sa kabo bomba at bagsak ng kanyon ay haos ang ibang lugal ng bundok ay haangan gitna ang binti ang kapal ng alikabok at kung kami ay naglalakad kung paibaba ng bundok ay papaupo kaming bumababa ng aming haaversock na nakakatang sa aminglikod kng kami’s napahigang umuusad na pababa.?

 

At lalong maniniwala na ba kayo na  pagkaumaga, doonn sa malayong bundok ay nangatayo ang mga Hapon sa pag minamasingan (machine gun) namin ay nagsissidapa lamang at sumisigaw na “Piriping Konero at  Bakero?” Kamin naman ay sumisigaw ng, “No, Piriping Japang tumadatse?”

 

Kami at ang mga Americano ay hindi nanalalaban dahil puro na nga Aeroplano at tanke at kanyon aang lumulusob, iyon pala ay binomba na America ang Heroshima and Nagasaki ng atomic bomb at nang bobombahin naman ang Tokyo ay sumuko na ang Bansang Hapon, ngunit doon naman sa Kiangan ay ayaw sumuko ang mga Hapoon at “Blop” (bluff) lang daw ng America na suko na sila. Ang ginawa ng Americano ay pinalapit sa mga lugar ng Hapon ang Capitang Hapon na American Citizen at sinasabi noong Japanese-American (Nessie) na sumuko na kayo at suko ang Bansang Hapon, ngunit may isa palang galit sa kapwa Hapon na nakagapang sa likuran noon Capitan Japanese-american at itoy nabaril sa likod na ikinamatay nito.

 

Dahil sa nangyaring iyon ay marami ang napaiyak na Amerciano sa sinaapit noon Haon na kasama namin noon at hindi sumuko ang mga Hapon at ang ginawa ng American Powere ay hinlugan ang kinalalagyan ng mga Hapon ng maraming pulyeto na sumuko na sila at suko na Japan, Hirnidi rin sumusuko sila nang matagalan na hindi sila binobomba at kinakanyon at wala nang putok ay anisip marahil ng mga Hapon na suko nga na ang Bansa nila at sumuko na nga.sila.at ganito ang paksuko; mula sa mataas na bundok na naging alikabok na ang ibabaw at ibaba, mula sa kanluran na paharap sa silangan bundkok ay nagsisibaba na ang naglalakihang parang mga Americano katatas, nangkataas ang mga kamay at walang mga sandata. Ewan, kung bakit gagong Filipino na hindi alam na susuko na pala ang mga iyon ay may binaril na is at nagbalikang paitaas ang mga Hapon. Salamat at walang Hapong tinamaan kaya nahimok din mula sa sigaw ng Americano na hindi sila ang binaril, kaya bamaba na ring sunod-sunod ang mga Hapon at kamin namang mga Pilipino ay pinalayo ng mays isang kilometro ang layo sa Surrendering Place, ngunit yong sarhento ko ay hindi pinaalis noong Capitan Americano.

 

Ngunit kitang-kita namin ang pagkasuko ng mga Hapon at ang sinukuan ay si Captain Thomas (US Army) at  isang Sarhento.  Si Yamashita ay humiling agad ng isang latang serbesa na Coor at sulampak doon sa ugat ng malaking kahoy na napatay na at nang naubos iyong isang lata ay humingi muli ng isa.   Nang maraming-marami na ang mga Hapong sumuko ay kaming dalawa na ang lumayo at sumama sa mga kasamahin naming Pilipino. Nagtataka kami kung baket walang sandata ang mga Haon at wala ring mga relo at alahas gayong may mga bakas ng relo ang mga baraso nila, at lalong walang mga babae isaman.

 

Kinabukasang magsisuko ang mga Hapon, umagang-umaga pa lang sagsagan na kaming mga Pilipino sa pinangalingan ng sumukong mga Hapon maghanap ng mga alahas na hindi isinama sa kanilang pagsuko ngunit sino sa ming ay wlang nakuha ano man. At nakita namin ang mga tunnel ng Hapon na bombahin man ng bombahin ay hindi talaga mapapatay, at nakalimutan ko nga pala na sa gawing kaliwa ng Kiangan ang una namin dinaanan ay dito ss maraming banging ay napalaban ang aming compania ng mahigit na kalahating araw na pawang trensmortal lamang ang aming ginagamit dail hindi namin nakikita ang mga Hapon ay kung baket kami’y ng mga cailing (shelling) ng Hapon at ako talagan hindi ukol marahil mamatay; sa layong dalawang dipa marahil ang bala ng cailing na iyon, na ang haba ng litaw ay kalahating dangal na may elise sa puwit na naklitaw ay hindi pumutok na sa basang alikabok at malatang pulon. Samantalang kami’y papa advance na sa pagitan na matatas naa bundok kami nagdadan ay nakarating kami sa isang uri ng bundok an ibang-iba. Matarik na matarik an halos deretso itong pataas na mraming ungat ng kahoy na ganga-hita ang laki ng mga puno at sa mga ugat nitong nagusli at maraming kurdong ng telepono an nakasabit mula sa ibaba sy dito kami nangunyapit sa paakyat sa itaas patungo sa ibabaw ng bundok an nasabi yong pala ay doon lumagay si Yamashita at ang ilalim pala ay kabila ng napakataas na bundok na iyong napakaking tunnel subalit nang maakyat mag kaming lahat ay walang lao na, sa kalalakad namin patungo sa puera ni Yamashita na sabi’y mayroon isang daat dalawanpong-libo ang nadaan kami sa trail na pala at doon sa kabilang bundok ay may-maramingCruz na puti ang mga pinta at yaon pala ay libinga ng mga patay na Americano na papalaban doon sa nadaanang naming mraming bangin lunga ng mga Haon na ang tutoo ay nagpahina sa puersa ng Hapon ay tubig at pagkain at yoing mga poison smoke gradnade an inihahagis sa loob ng mga tunnel na Hapon at mula dito ay hindi kami napalaban hangand doon nga sa Kiangan at hangang sa magandang simbahan ng Kastila doon sa Kiangan. At kami ay nagbalik na sa Bayombong, N.Vizcaya at doon kami inabot ng bagong-taong 1946 dito kami pumarada sa paligid na kabayanan, pagkatapos baba kami ng San Jose, N.Ecija.

 

At isinakay sa mahabang bagol ng train at dinala kami sa Bacnotan, San Fernado, La Unionna nga bagol ay nagdadaan na ang rilis ay nasa pasigan ng dagat na buhanginan.

 

At doon kami nag biwalk (bivouac) o namamhinga at doon din kami nagse pagprocess at nagsipag-proicess, mayroon kaming tatlongpong libo dito kasam ang mga Americanong sundalo at mga Hapong Bihag, mga taga Solanong gerella at mga taga Bayombong, mga taga Hagunoy, mga Pangasenan na 31st Infantry, ang lahat ng mga ito at mga Igorite at mga igorata ay sa Buenavista Regiment napasama at sa Buenavista ring nanga-recognizce at dito ako inabot ng eded na hustong 21 anyos noon Febrero 1946 at nang ako ay ma-discharge (?) noon a 16 ng Febrero 1946.

 

Samatalang hindi kami naguuwian sa amin-amin uuwian ay pasyalan ng pasyalan sa maraming tabi-tabing tindahan  dito sa nayong dulo ay dagat na kinalalagyan naming lahat. Hangang isang araw ay nakumbida kami sa isang kasalan na mayroon daw sayawan ay hindi naman ako marunong magsayaw, pero napapanood ko sa sene ang mga sayaw na tinatawag na sweet at waltz hanga a buquebuque(boogie-boogie?). Ako naman ay nakauwi na sa amin sa Santisimo Trinidad, Malolos, Bulacan at ako ay nakapagpadala ng ika nga ng magandan baro at pantalon, singsing na may brillante, kuwenta na may brillante ang cruz a laket at relong waltam (Waltham) nang kami ay maglakad na pupunta sa nasabing kasalan ay bukid palang bagong gapas ang aming dadaanan at gilid ng bundok sa gawing silangan. Ang buwan ay magaalas otso na kung sa araw, may kalahating oras naming nilakad iyon at kami’y labingdalawa pawang binata,  kaminglahat ay naka oldgrave(olive?) na jacket na patig (fatique) pati pantalon at sa laki ng nng dalawang bulsa ng jacket na iyon ay hindi alam na lahat kong kasama na may dala akong pantalon de ilo at polo shirt na puti din at mga alahas nag dumating kami sa kasalan ay nagsasayawan na kayat ang lahat kong kasamahan ay nagsisisayawan na ako lamang ang hindi sumsayaw dahil iyong apat na dalagang nakaputi ng damit ay ayaw sumama sa akin at hindi sila marurunong magsipagsayaw –sayaw kaya ako lamang ang lalaking parang kaawa awa ng sandaling iyon. At noon nakaraan ang dalawang tugtog ay umalis ako at nagtungo sa malayong sagingang na nadaanam namin na ang layo sa sayawan ay may 20 metro at naghubad ako ng salawal at baro. At sinuot ko na ang dala kong pantalon at polo shirt, sing-sing, kuwentas at relo, sapatos lang ang hindi ko nagpalit dahil ang sapatos ko’y sa Navy at maganda at nang bihis ako’y nagbalik ako doon sa harap noon mga nakaputing dalaga na hind nagsisiyaw.  Maya maya, mag-alas nueve na ay biglang nagpalakpakan t nahinto ang sayawan, iyon pala ay nananaog iyong dalaang ikinasal pala sa bahay na ang babae ay anak pala ng consehal del bario doon, at iyon naman lalake ay anak naman ng Capitan del bario doon at magkatabi ang kanilang bahay at iyong lalake ay maestro doon sa kanilang bario at kasama na nagtutuor iyong babae na pareho sa Manila nagtapos ng pagka-teacher. Nagsayaw silang solo sa harapon ng bahay ng babae. Nakabarong na puti iyong lalake at puti rin ang pantalon. Naka puti din iyong babae ng damit ngunit nang matapos ang pagsasayaw ng ikinasal ay nilapitan ako noong isang matandang babae at sa wikang Ilocano ay isayaw ko daw iyong babaing ikinasal na nagiisa sa gitna ng sayawan. Hindi ko maintitndihan ang sinasabi at tinagalog noon mga nauong pawa ngan nakaputi na mga kamaestra pala noong ikinasal. Na isayaw ko raw iyong babaing ikinasal, namangha ako pagkat hindi naman ako marunong magsayaw at akoy pinilit.  Palibhasay nang magbihisako ay talagan ako ang pinka-desente at magara ng gabing iyon.

 

At nagsayaw kami sa magandand tugtog na rondalia na ika nga lumapit at payakap ng gawin ko at cheek to cheek at ganoon nga ginawako. Nang mataopos ang tugtog ay tumugto na muli at nagsabit iyong babae ng piso sa dibdib noong babae at nagsabit naman yong lalake ng dadalawa limang piso buo at nagsabit iyong ibang lalake ng samoong pisong buo at nagsabit iyong isang babae ng 20 pisong buo at nagsabit iyong isang lalake ng lilimangpuin, at nagsabit naman kababaihan ng isang dadaanin at nagsavit naman ang lakihan ng lilimangdaanin, at ang marma pang iba ay nagkani-kanyang sbit hangan laylayan ng damit ng ikinasal at ahng pusod ng buhok ng babae at nang wala nang mapg-sabitang baro ay nagubusan naman ng hagis na barya sa lupa. At nang naging sabit nang bilangin ay mahigit na apat na libong pisong salaping Pilipino.

 

Ano pat nang mataos ang Febrero ay wala na kaming lahat na Pilipinong sundalo doon sa Bacnotan. At ang iba-ibang mga pook at bundok na pinaglabanan namin ay hindi ko na matandaan, kaya hindi ko na maisalaysay dito.

 

Sa kalukoyan ay kami ng aking maybahay (Zeny) ay nasa Jersey  City and nakatira kami sa Manila Ave tabi ng monumento ng mga Filipino Guerrilla. Samantala akong nagsasalaysay na ito ay kasapi sa mga ito:

  1. Philippine American Legion, na ang Pangulo noon ay si General Alejo Santos
  2. Philippine International Association, na ang Pangulo noon ay si Colonel Arias
  3. Philippine Senior Citizen, pangulo si Judge Calixto Ajero
  4. Philippine Senior Citizen, pangulo si Alex padilla
  5. Philippine Senior Citizen, pangulo si Walter Casingal
  6. Philippine Senior Citizen, pangulo si Vic Armando
  7. Philippine Senior Citizen, pangulo si Ernie Villanueva
  8. Golden years na ang Unang pangulo si Cora Samano, sumunod ay si Bong Pineda
  9. Busilak Bulacan Association, pangulo si Jowe Roldan
  10. Nagcarlan Association

 

Ang lahat ng mga Association na ito ay ditong lahat sa Jersey City, New Jersey,

 

Escolastico “Restie’ Valerio ng

15 Laurel Court,  Jersey City

New Jersey, USA

 

Notes:

  1. The late Alejo Santos, former governor of Bulacan and former head of a guerrilla group called the Bulacan Area military Unit.  He also became Secretary of National Defense.  General Alejo Santos to run for 1981 presidential election  during the Martial Law against Ferdinand Marcos
  2. Blas Ople also served under General Alejo Santos unit that joined the US Army chasing Yamashita in Kiangan in Northern Luzon under the Buenavista Regiment.
  3. Kiangan was the last bastion of the Japanese Army in the Philippines. The US Flag was flying high in the Island of IwoJima at this point of the WW2 and two Atomic Bombs were already detonated in Japan yet the battle in Northeast Luzon continued for days. The brunt of the battle was jointly carried on by the Filipino guerrilla and that enable to hard pressed US 6th Army to moved on to the Japanese mainland.
  4. Philippine veterans of World War II want justice.
    They want the United States to repeal a 1946 law that denies them U.S.
    veteran status and benefits even though they served beside American
    troops in the war. Two bills moving through Congress now, one in the House and one in the
    Senate, seek to overturn the 1946 Rescission Act. The law grants
    partial veterans benefits only for Filipinos who incurred disabilities
    or died while serving in the war. Rep. Benjamin A. Gilman, R-N.Y., sponsored the House bill, the
    Filipino Veterans Equity Act. Sen. Daniel Inouye, D-Hawaii, introduced
    the Filipino Veterans Benefits Improvement Act. Rep. Bob Filner, D-Calif., a co-sponsor of the House bill, contends
    the United States has a moral obligation to provide the benefits.

    "This bill provides our country the opportunity to right a wrong
    committed decades ago," Inouye said

 

 

For posting to:

http://members.tripod.com/MANILAJC/valerio.htm

and

http://www.filipinohome.com

Coming to America

 

Nestor Palugod Enriquez

nestor@filipinohome.com